Isa siguro sa mga all-time favorite ko na pagkain ay ang beef pares. Simula kasi ng bata pa ako ay talagang mahilig na ako sa karne ng baka. At kapag proven na masarap talaga ang luto ng isang putahe nito ay talaga namang babalik-balikan ko ito.
Dati-rati ay nagtatanong pa ko kung ano ba ang ibig sabihin ng pares. Iyon pala ay simpleng ulam na kapares ng kanin. Akala ko naman ay may kakaiba doon. Malamang ang naiiba doon ay ang kakaibang sarap na timpla ng ng karne ng baka.
Pag beef pares ang inoorder ko ay tiyak na magrerequest ako na dadagdagan ang sabaw nito. Paano kasi, sabaw pa lang ay ulam na. Kahit na siguro wala itong kasamang karne ng baka ay papatusin ko pa rin dahil sa sarap ng sabaw nito. At kadalasan ay napapa-extra rice pa ako dahil hindi ko kayang papakin ang ulam ng walang kanin.
Hay, naglalaway na naman ako dahil sa post na ito. Tiyak takbo na naman ako nito sa paborito kong pares house para lang muling mamantikaan ang bibig ko ng beef pares. Hehe.
No comments:
Post a Comment