Wednesday, April 2, 2014

Tuli

Lumaki ako sa probinsiya at tuwing summer time ay uso sa amin ang pukpok sa pagtuli.  Kuya ko kasi ang nagtutuli doon sa amin kaya't alam ko ang ritwal nito.

Mayroon akong kakilala dati na mas matanda lang sa akin ng kaunti.  High school na siya noon nang naiisipan niyang magpatuli sa kuya ko.  Lahat ng pukpok na tulian sa amin ay sa tabing ilog ginagawa.  Bago ang pagtuli ay nagbabad muna sila sa ilog para lumambot ang balat na hihiwain.  Epic fail ang gagawin sa kanyang pagtuli dahil hindi pa pala nakalas ang nakakapit na balat doon sa kanyang totot.  Kaya't the return of the comeback na lang siya pagkaraan ng ilang linggo.

Ang napapanood nating blopper sa sine tungkol sa eksena sa tulian gaya ng pagbuga ng nginuyang dahon ng bayabas ay talagang nangyayari iyon.  Dahil sa pagkalito at pagkataranta ng batang tinutuli ay naibubuga niya kung saan-saan ang nginuyang dahon ng bayabas.  Kaya't minsan ay may nakahandang pinitpit na dahon ng bayabas kung sakaling malunok o mabuga ito ng mismong tinuli.

No comments:

Post a Comment