
Meron tayong mga kakabayan na nasanay nang kumain ng nilagang kamote sa halip na kanin. Sinubukan ko din ito pero talagang iba ang hatid na bigat at pagkabusog kapag kanin ang kinain ko. Malamang ay sanay na talaga ang tiyan ko sa kanin at siguro ay isip ko ang nagdidikta na maghanap ito ng kanin kahit na halos bundat na ang aking tiyan. Pero kung sakaling taghirap at tanging kamote lang ang kakainin ay malamang kaya ko namang mag-adjust.
Kapag nagluluto ako ng kamote, ang laging hanap ko ay ang dilaw na kamote. Di hamak na mas masarap kasi ang dilaw na kamote kumpara sa iba pang variety ng kamote. At di lang iyon. Masarap ding ihalo sa karne ang kamote lalo na kapag nilaga o pochero ang putahe. Haha. Naglalaway tuloy ako sa mga luto na ito. Hamo at makapagluto nito mamaya para naman magamot ang biglang pangungulila ko sa ganitong putahe.
No comments:
Post a Comment