Bakit ba kapag nakakarinig tayo ng salitang "kamote" ay agad na naihahambing ito sa kabobohan? Sino ba ang may pasimuno nito?
Isa ang nilagang kamote sa mga importanteng pagkain kapag ang isang tao ay gustong nag-eensayo at umiiwas sa kanin at karne. Kamote ang alternatibong pagkain at isa ito sa mga inirerekomenda ng mga nutritionists. Healthy ang pagkaing ito at isa ito sa mga masustansiyang pagkain.
Sa probinsiya ay isa ito sa mga paborito naming pagkain kapag merienda time na. Sa ibang lugar nga ay ito na mismo ang kanilang pagkain sa buong araw. Minsan siguro ay hindi lang natin nakikita ang importansiya nito lalo na kapag hindi tayo nagkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa pagkaing ito. Kaya't sana ay hindi natin mamasamain ang bawat kamoteng ating kakainin.
Iyon nga lang at merong isang downside ang pagkaing ito. Siguro sa mga taong madalas na kumakain ng nilagang kamote ay normal lang ang pag-utot. Haha. Ang bantot ng usapang ito kasi utot na ang pinatutunguhan ng topic na ito. Pero ito ay isang realidad ng buhay at lahat tayo ay umuutot. Ang kamote nga lang ang isa sa mga catalysts kung saan ay napapautot tayo ng madalas. Taken na talaga ito kapag kumain tayo ng kamote. At sa mga taong makakaamoy ng ating utot, huwag na silang magagalit o magreklamo pa kasi nakikiamoy lang sila. Hehe. Peace po.
No comments:
Post a Comment