Nagtatanong ka rin ba kung papaano natutulog ang ibon? Siyempre nakapikit din ang mga mata nito. Haha.
One day, isang araw, ay may nakitang ibon ang aking pamangkin. Nahulog ang ibon mula sa puno at nagkaroon ng bali ang kanyang pakpak. Dahil hindi na ito makalipad ay kinuha ito ng pamangkin ko at inuwi sa bahay. Pinagkaguluhan ito ng kanyang kapatid at ng kanilang pinsan. Agad namang nagdala ng hawla ang pinsan nila.
Pagsapit ng dilim ay nakita naming pumipikit na ang mga mata nito at parang antok na antok na. Dahil hindi naman ito makakalipad ay kinuha namin ang ibon mula sa hawla at ipinatong ito sa isang daliri ng pamangkin ko. Maigi namang kumapit ang mga paa ng ibon sa daliri ng pamangkin ko at muli na naman itong natulog. Doon namin nalaman na kahit pala sa sanga ng puno ay kayang matulog ng ibon na hindi nahuhulog.
Kinabukasan ay na deads na ang ibon. Para din kasing sisiw ito na masyadong sensitive sa kagat ng mga langgam. Nakakalungkot man ay sadyang hanggang doon na lang siya.
No comments:
Post a Comment