Saturday, January 18, 2014

Bulbol

Noong maliit pa ako ay kinatutuwaan ako ng aking tiyo.  Ang sarap ng tawa niya kapag sinasagot ko siya ng "bulbol" sa tuwing magtatanong siya ng kung ano daw ang tawag sa balahibo sabay turo nito sa kanyang balahibo sa kanyang braso.  Wala talaga akong kamuwang-muwang noon dahil "bulbol" ang tawag nito sa lugar na kinalakhan ko at meron palang ibang kahulugan ito kapag nasa Manila ka na.

Kahit noon pa man ay balewala sa akin kapag makakarinig ako ng salitang "bulbol" nang nasa Manila na ako.  Hindi kasi ito big deal sa aming probinsiya at nasanay na ako sa ganitong salita na ang kahulugan sa amin ay "balahibo."  Sa aming probinsiya ay hindi taboo ang salitang "bulbol" at kahit na tumagal ako sa Manila ay wala itong bahid-malisya para sa akin.  Kaya't kahit na makarinig ako ng salitang ito ay kibit-balikat na lang ako dahil nakasanayan ko na mula ng maliit pa ako na hindi ito salitang bastos sa aming probinsiya.  At ibinabahagi ko lang ang kaalamang ito dahil kapag kayo ay naligaw sa rehiyon sa Visayas o Mindanao, isa lang itong ordinaryong salita na walang bastos na kahulugan.

No comments:

Post a Comment