Ang mata daw ay bintana ng kaluluwa ng isang tao. Sa pamamagitan ng mga mata ng isang tao ay makikilala mo kung totoo at tapat siya sa iyon. Gaano kaya katotoo ito?
Kapag gusto mo raw malaman na sincere at totoo ang taong kausap mo, ang mga mata niya ang siyang magiging barometro mo. Habang kausap mo siya ay tumingin ka sa kanyang mga mata at doon mo malalaman kung anong klaseng tao ang siyang kausap mo.
Pero sabi nga, there is an exception in every rule. Paano?
Kapag mahiyain ang kausap mo ay hindi mo talaga mapipilit itong tumingin nang diretso sa mga mata mo. Mahiyain nga e at bibihira itong makikipag eye contact sa isang kausap. Kung hindi ito makatingin ng diretso sa iyo ay hindi ito nangangahulugan na hindi siya totoo at tapat sa iyo. Sadyang mahiyain lang wala ka nang magagawa doon.
Hindi porke't duling ay hindi din tapat. Kasabigan nga ay ang taong duling ay walang gawang magaling. Pero kahit na duling ay pwede ding magiging matapat dahil kapareho ding natin na tao siya. E kung tayo kaya ang lumagay sa posisyon ng taong duling. Siyempre mararamdaman din natin kung ano ang damdamin ng isang taong duling at minsan ay hindi maiiiwasan na makakarinig tayo ng hindi maganda. At muli, hindi porke't duling at sa tingin natin ay hindi makatingin ng diretso ay hindi na tapat.
At ang pinakahuli ay malamang pagtakhan ninyo. Sa lugar kasi kung saan ay uso ang mga aswang, ang isang aswang daw ay hindi talaga tumitingin ng diretso. Hindi ko alam kung merong good at bad na aswang. Basta ayon sa naririnig ko, madalas daw na mailap ang mga mata ng isang aswang at kadalasan ay baligtad daw ang anyo ng tao kapag natitigan mo ang mga mata nito. Kaya't hindi ko na pinangarap pa na makipag eye to eye contact sa mga napapabalitang aswang sa aming lugar. Katakot kaya. Hehe.
No comments:
Post a Comment