Napadaan kami sa Basilika ng Quiapo kung saan ay pumasok kami sa kanilang veneracion chapel. Dahil hindi araw ng Biyernes at may sinundan kami, kahit sa exit ay puwedeng dumaan papasok. Hehe. Pasaway. Kakaunti lang ang mga taong pumapasok sa chapel ng mga sandaling iyon. Hindi kami pumasok para magdasal. Sa halip ay ipinakita sa akin ng aking kaibigan ang santong kanilang binihisan. At dahil nga first time niyang makasali sa ganoong gawain ay nagkuwento siya sa kanyang mga experiences at natuklasan nang gawin nila iyon. Pagkaraan ng ilang saglit ay kumuha ako ng picture sa loob ng chapel. Nakailang pictures din ako nang lumapit ang guwardiya sa loob ng chapel. Bawal daw kumuha ng picture doon at kailangang humingi muna ng permit sa kanilang office. Hindi ko alam kung bakit hindi puwedeng kumuha ng pictures sa loob ng chapel at maging sa loob ng simbahan ng Quiapo. Malamang ay may rason sila kung bakit nila ipinagbabawal ito. Subalit ito lang ang bukod tanging simbahan na ipinagbabawal ang kumuha ng picture sa loob ng kanilang simbahan at chapel. Marami-rami na rin akong napasukang mga simbahan at wala naman akong na-engkwentro na anumang pagbabawal. Dahil nga bawal, nakibit-balikat na lang kami. Ito ang isang pagakakataon kung saan ang sabi ng mga mentors namin sa photography na dapat ay maging bingi kami. Pagkatapos mong kumuha ng pictures ay patay-mali na lang sa sitwasyon na para bang walang nangyari. Haha. Peace be with you na lang para walang problema.
Tuesday, February 11, 2014
Chapel ng Quiapo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment