
Ang sekreto daw pala ng mga sangkatutak na pagkain na inilalagay lahat sa isang mesa ay para busugin na agad ang ating paningin. Parang unang kita mo pa lang ng mga pagkain na sangkatutak ay busog ka na agad. Kadalasan sa unang bugso pa lang nang pagkuha natin sa ating kakainin ay halos nandoon na lahat sa plato natin ang gusto nating tikman. Iyon bang tipong pag naubos na ang laman ng plato mo ay busog ka na agad pero marami pang pagkain ang pwede mong balikan.
Kapag tipong unli daw ang dating ng pagkain ay dapat paunti-unit lang ang kuha natin sa mga putahe at dahan-dahan lang din ang ating pagkain. Dapat daw ay hindi tayo nakikipagkarera sa pagsubo lalo na kapag takam na takam tayo at tipong sobrang gutom na. Kapag nagmamadali daw tayong kumain ay bundat kaagad ang aabutin natin at madali tayong aayaw agad. Kapag marahan naman ay makakaya nating matikman lahat ng putahe at tiyak ay makakarami tayo ng makakain.
Pero ang the best experience sa tuwing may kainan ay iyong makakatikim tayo ng bagong putahe at bago sa ating panlasa. Tapos ay dapat ma-enjoy natin ang ating kinakain.
No comments:
Post a Comment