Last year ay galing ako ng Leyte. Doon ko nakita ang sangkatutak na niyog na produkto ng probinsiya. Isa ang niyog sa mga pangunahing produkto ng probinsiya ng Leyte. Mayroong mga lugar doon na kahit saan ka tumingin ay puro puno ng niyog ang tangi mong makikita.
May nakilala ako doon na sobrang lapad ng lupain niya na puro niyog ang tanim. Marami siyang mga tenants na mismong sa lupa niya nakatira. Sa loob ng ilang taon ay gumanda din ang buhay ng kanyang mga tenants. Nakakapag-aral ang mga anak nila at nakakapagpaayos na rin sila ng kanilang mga bahay.
Doon ko nakita ang dami ng niyog na ngayon ko pa lang nakita sa tanang buhay ko. Nagkataon na nagsisimula na silang magprepare ng copra. Dito sa Leyte ay pinapausukan nila ang mga copra para mabilis na matuyo. Sa ibang lugar ay simpleng binibilad ang mga ito sa araw para matuyo. Sa pagpapausok nga namn ay mas mabilis na matuyo ang mga copra kahit na makulimlim ang panahon o kahit na umulan pa.
Sa pananalasa ng bagyong Yolanda, sinasabing 20 years pa ang bubunuin bago manumbalik ang pagbunga ng mga niyog. Kung dito lang umaasa ang mga tao sa kanilang hanapbuhay ay tiyak na ibayong hirap ang kanilang dadanasin bago pa muling magkaroon ng bunga ang mga niyog. Tiyak na magiging malaking challenge sa mga tao dito ang kanilang haharapin dahil tiyak na magbabago ang takbo ng kanilang buhay pati na ang kanilang mga hanapbuhay.
Sana muling makabangon at muling manumbalik ang sigla ng kanilang buhay at ang kanilang hanapbuhay. Walang kagustuhan sa nangyaring kalamidad na ito pero sa mga naka-survive at piniling manirahan pa rin sa Leyte at Samar ay nandoon palagi ang kagustuhan na muling makabangon at makapagsimula ulit.
No comments:
Post a Comment