Iba talaga kapag nasa galaan ka. Ang
daming mga kakatwang pangyayari at mga kakaibang hayop at insekto na iyong
maeengkwentro. Katulad na lang ng praying mantis na ito.
May ugali ang babaeng praying mantis na
halos katulad ng black widow spider. May pagkakataon kasi na kakagatin ng
babaeng praying mantis ang ulo ng lalakeng praying mantis pagkatapos nilang
magtalik. Sinasabi ng mga eksperto na hindi naman ganoon kadalas mangyari
ang ganitong karumal-dumal na pangyayari. Kung ikaw ay isang lalakeng
praying mantis, para kang naglalaro ng russian roulette kapag nakatalik mo ang
isang babaeng praying mantis. At least kung matuluyan ka mang mamatay ay
nakarating ka naman sa langit. Haha.
No comments:
Post a Comment