
Hindi ko alam kung ang bawat isa sa atin ay may kakaibang trip na gustong gawin mabigyan lang ng tamang pagkakataon. Sa pagiging unique ba naman natin ay tiyak meron din tayong unique na trip. At malamang sa hindi ay tiyak sobrang saya natin kapag magawa na natin ang ating pinakamimithing trip.
Kapag magawa mo ang iyong trip sa buhay ay sadyang kakaibang sarap at high ang dulot nito. Mahirap mang maarok at maintindihan ang trip ng isang tao, hindi mo na kailangang magpaliwanag pa sa iba tungkol sa trip na gusto mong gawin. Basta ang mahalaga ay wala kang naaagrabyado at naaapakang ibang tao.
Muli, kanya-kanyang trip tayo sa buhay at walang basagan ng trip. Hehe.
No comments:
Post a Comment