Tuesday, January 28, 2014

Goya Chocolate

Mabuti na lang ay may ganitong lokal chocolate na sa halagang wala pang 20 pesos ay makakatikim ka na ng chocolate.  

Hindi naman ako mapili sa chocolate.  Kahit nga ang mumurahing chocolate na tig-pipiso ay pinapatos ko basta masayaran lang ng chocolate ang lalamunan ko.  Haha.  Weakness ko talaga ang matatamis at swak na swak sa akin ang chocolate.  Ang hindi ko lang trip na chocolate ay puti na halos puro gatas na.  Isang kagat lang ako doon ay umay na agad ako.  Pero kapag hindi puti ang chocolate ay tiyak nagdiriwang ang aking bibig at hindi talaga ito magpapigil hangga't hindi nauubos ang isang buong bar.  Mabuti na lang kamo at hindi ako tabain at mabuti rin kamo at wala akong sakit na diabetes kaya't piyesta lagi kapag may chocolate.  

Sa mga kakilala ko na mahilig magregalo, chocolate lang ay solve na ako.  Hehe.

No comments:

Post a Comment