Sa oras ng kasagaan ay marami tayong kaibigan subalit kapag wala ka ng pera ay masuwerte ka kung meron pang matira kahit isa sa kanila.
Ilang ulit na bang napatunayan ang kasabihang ito. Sadyang parang isang pambihirang magneto ang pera sa mga taong gustong tumangkilik sa iyo kapag marami kang pera. Ang mga "kaibigan" ay kusang nagpapakita at talagang masaya ang buhay kapag sagana ka sa pera. Hindi ka mauubusan ng mga "kaibigan" at anumang oras ay nandiyan sila.
Pero kapag dumating na ang panahong ikaw naman ang mawalan at mangangailangan ng pera, aasahan mo nang bigla na lang maglalaho ang mga "kaibigang" kasama mo noong panahong ikaw ay sagana pa. Nakakalungkot mang isipin pero ganoon talaga siguro ang takbo ng mundo. Marami kang mga taong makakasama sa sarap pero pag ikaw ay gipit at wala ng pera, wala na rin sila.
Kaya't tayo ay maniwala sa payo ng mga nakakatanda at ganoon din sa mga taong natuto na sa agos ng buhay. Matuto tayong mag-ipon habang ang kasagaan ay ating tinatamasa. At matuto din tayong maging praktikal pagdating sa ating pera. Hindi lahat nang lumalapit ay totoong mga kaibigan. Ang totoong mga kaibigan sa maaasahan mo sa oras na ikaw ay walang-wala at halos naghihikahos na.
No comments:
Post a Comment