Sunday, January 12, 2014

Baboy

Malamang ay narinig na ninyo ang isang mahiwagang tanong tungkol sa baboy at sa mga anak nito.  Bakit daw nakayuko ang mga biik kapag sumusunod sa kanilang inang baboy?

Ang baboy daw kahit saan mo ilagay ay baboy pa rin.  Ang sabi nga, kahit buhusan mo daw ng ilang drum na pabango ang baboy ay sadyang maghahanap ito ng putik para kanyang galugarin at gulungan.  Kung baga, comfort zone ng baboy ang putik kaya't ito ang patok sa kanila.  Ang hindi lang natin alam ay may nakukuha silang bitamina sa putik kaya't paborito nila itong bungkalin at maghanap ng makakain.

Pero bakit nga ba nakayuko ang mga biik kapag sumusunod sa kanilang inang baboy?  Nahihiya daw kasi ang mga biik dahil ang kanilang ina ay isang baboy.  :o)

No comments:

Post a Comment