Matanda na ako nang makakain ng siopao.
Papaano kasi ay malakas manakot ang mga tao sa bahay na pusa daw ang
laman ng siopao. Ako namang si gago ay naniwala lalo na at hindi ko sila
nakikitang kumakain ng siopao. Pero malamang sa loob-loob nila ay todo
tawa sila at sobrang malakas silang mang good time.
Pero sabi-sabi ay meron daw talagang
gumagawa ng palamang pusa. Kuwento ng isang kaibigan ko kung saan ang
kapatid niya ay nagtatrabaho sa China. Meron daw isang lugar sa China na
wala siyang nakikitang mga hayop, ultimo daga. Mahirap daw ang lugar na
iyon at lahat ata ng mga hayop na maliligaw sa lugar nila ay laman-tiyan ang
turing ng mga ito.
Pero ang mas nakakagimbal na balita
tungkol sa siopao ay nang merong napabalita na ang ginagawa nilang palaman dito
ay tinadtad na cardboard o kahon. Nyay! Ano kaya ang lasa noon at
mukhang napadami din ang benta nila bago ito napabalita.
Ngayon ay kumakain na rin ako ng siopao.
Dalawang flavors lang naman ang gusto ko, bola-bola at asado. Hindi
ako umoorder na ang palaman ay pusa o cardboard. Haha.
No comments:
Post a Comment