Ang Pilipinas ang siyang may
pinakamahabang celebration ng Christmas. Nagsisimula na agad ang
preparasyon pagtuntong pa lang ng unang araw ng September hanggang sa January 6
kung saan ang pagdalaw ng Three Kings ang siya namang highlight ng selebrasyon.
Pero ano nga ba ang katotohanan sa likod ng personalidad ng Three Kings
na ito.
Kahit saang pahina ng bibliya ang iyong
bubuklatin ay wala kang mababasa na Three Kings kundi Wise Men. Ang mga
Wise Men na ito ay may dalang mga regalo na gold, frankincense, at myrrh.
Dahil daw sa mga regalong dala nila kaya nagkaroon ng ideya ang mga sinaunang
scholars na mayroong tatlong haring mago ang siyang dumalaw sa pagsilang ni
Kristo. Pero hindi ba pwedeng madaming mga Wise Men ang dumalaw at
pare-pareho ang mga dala nilang regalo?
Meron pang isang mali sa nakaugalian
selebrasyon ng Three Kings. Ayon sa bibliya ay dumalaw ang mga Wise Men
na ito sa bahay at hindi sa sabsabsan kung saan isinilang ang Tagapagligtas ng
sanlibutan. Pero bakit ang mga inoobserve sa simbahan maging sa mga
nativity scenes ay naroon ang Tatlong Hari kung saan kapapanganak pa lang ni
Kristo? Hindi ba ito ay isang malaking tahasang kasinungalingan?
Kung ang magiging argumento ay ang mga
nalimbag na publications/writings/aklat ng mga scholars tungkol sa
pagkakilanlan ng mga haring ito, pwede bang sabihin natin na hindi sapat ang
nasusulat sa Bibliya para maging tamang gabay sa ating paniniwala at
kaligtasan? Kung magkakaroon ng iba pang interpretasyon tungkol sa mga
nasusulat sa bibliya at magbibigay ito ng kakaibang kahulugan gaya ng Wise Men
na nagiging Three Kings, hindi ba misleading na ito at ito ay isang malaking
kasalanan? Kung magkagayon, parang lumalabas tuloy na hindi credible at
hindi sapat ang mga nakasulat doon na gawa ng mga apostoles ni Kristo at
kailangan pa ng ibang mga scholars para bigyan ng kakaibang kahulugan ang mga
nakasulat sa Banal na Aklat. Kung tama at accurate ang aking
recollection, di ba nga at merong nasusulat sa Bibliya na kung sino man ang
siyang magbabago ng mga nakasulat doon ay magkakamit ng kasalanang walang
kapatawaran? Bakit nga ba patuloy itong ipinagsawalang bahala ng mga
mismong mga pari ng simbahan? Nagtatanong lang po.
No comments:
Post a Comment