Thursday, January 9, 2014

Signage

Minsan may mga signages tayong makikita at alam naman natin na klaro ang mensaheng ipinaparating nito.  Iyon nga lang ay hindi rin natin maiiwasang mapangiti lalo na kapag may kakaiba dito.

Ang sabi, tayong mga Pinoy daw ay masyadong particular sa grammar.  Mahirap nga daw maging boss ang isang Pinoy dahil matindi ang kanyang pagpupulis sa grammar.  Kahit nga daw ang mga taong lumaki sa mga bansang kanluranin ay hindi masyadong binibigyang pansin ang grammar lalo na kapag naiintindihan naman nila ito.

Paminsan-minsan talaga ay nagkakamali din tayo sa ating grammar.  Maraming mga dahilan kung bakit merong nakakaligtaan tayo.  Pero ang isang mabisang paraan para maiwasan ang ganitong tipong mga pagkakamali ay ipabasa o ipareview natin sa ating kasamahan kung tama ba ang tumbok ng mensahe na ating nais iparating.  Lalo na kapag simpleng bagay ang pinag-uusapan at ipabasa ito sa maraming mga tao, dyahe na mapupulaan tayo sa mga simple pagkakamali natin.


PS.  Lagot ka kuya sa mga kalahi ni General Douglas MacArthur, iniba mo na ang spelling ng kanyang apelyido tapos binago mo pa ang porma.  Hehe.

No comments:

Post a Comment