Noong pumasyal ako sa Vigan ay dinala kami ng lola ng kasama ko sa isang kilalang hotel sa bayan. Doon ko nalaman na ang hotel palang ito ay siyang tinuluyang hotel noon ni Tom Cruise nang magshoot sila ng movie na Born on the Fourth July sa bansa. May poster pang nakaframe dito na may signature ni Tom Cruise na nakasabit sa sala ng hotel.
Dahil kilala ang lola ng kasama ko ay nabigyan kami ng pagkakataon na maikot ang buong hotel. Gabi na noon at may mga guests sa naturang hotel. Inabisuhan na lang kami na huwag buksan ang anumang pinto at baka makaabala kami sa kanilang mga bisita. Kaya't minabuti naming ikutin na lang ang kabuuan ng hotel.
Habang gumagala kami sa loob ng hotel ay doon naalala ng kasama ko ang ilang mga kwentong bumabalot sa hotel na iyon. Medyo maganda ang setting ng hotel para sa mga nakakapanindig na balahibong mga kwento. At kapag gumana na ang iyong imahinasyo, tiyak kikilabutan kang talaga lalo na kapag sadyang nakakatkot ang mga kwentong iyong maririnig.
Hindi naman kami masyadong tumagal sa pag-ikot sa kabuuan ng hotel. May mga sulok na medyo kakaiba ang dating pero hindi na namin ito pinagtuunan pa ng pansin. Sa halip ay gumawa na lang kami ng setup kung saan ay mistulang may nagpapakitang ewan lang. Hehe. Nakikita nyo ba?
No comments:
Post a Comment