
Unang kita ko pa lang ay na-excite na ko nang
makita ko ang iba't-ibang flavors ng kitkat. Imported from Japan daw ang
mga iyon at kung hindi ako nagkakamali ay mayroong 40+ na flavors ang meron
sila sa kasalukuyan. Dito sa Pinas ay iilang kitkat flavors lang ang
meron pero sa Japan ay sangkatutak. Bigla tuloy akong naglaway at parang
gusto kong tikman lahat. Iyon nga lang at biglang nagsikip ang lalamunan
ko at bigla akong napaatras. Putik na iyan, ang isang piraso o stick ng
kitkat ay 70 pesos ang presyo. Ang isang box ay mahigit na 400 pesos ang
presyo. Naman! Ginto ang presyo. Kahit na parang asong ulol
akong naglalaway ay hindi kinaya ng powers at bulsa ko ang presyo ng mga ito.
Haha. Kakain na lang ako sa resto at sulit pa ang pera ko.
No comments:
Post a Comment