Sunday, January 26, 2014

Blopper

Siguro naman ay may mga nakakatuwa o mga blopper tayong mga eksena na nasasaksihan sa ating pagsakay sa mga pampublikong mga sasakyan.  Baka nga pati tayo ay may mga nakakatawa o nakakahiyang eksena na talagang hindi natin malilimutan.

Ang nasakyan kong jeep ay punuan.  Halos lahat ata ng mga pasahero ay sa bandang terminal pa bababa.  Habang papalapit sa terminal ay unti-unting nababawasan ang mga sakay.  Habang papalapit kami sa terminal ay marahan lang ang takbo ng jeep kasi nga maya't maya ay merong pumapara.  Mayroong biglang nagsalita, isang  teenager  na babae.  Pagkasabi niya ay biglang tumigil ang jeep at lahat kaming natitira sa loob ng jeep ay napatingin bigla sa kanya.  Parang mayroong dumaang anghel sa loob ng jeep at natahimik kaming lahat habang bumababa ang babae.  Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang napuno ng tawanan ang loob ng jeep.  Pati ang driver ay nahirapang paandarin ang jeep dahil sa katatawa nito.  Kahit na hindi kami magkakilalang mga pasahero ay sobrang lakas ng tawa namin.  Ang sakit sa panga at pati na sa tiyan.  At kahit na umandar na ang jeep ay tuloy ang tawanan namin.

Ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang tawanan namin?  Sa halip na "mama, para" ang binigkas ng pasahero ay "mama, babay" ang kanyang nasabi.  Feeling close siya sa driver.  Hehe.

No comments:

Post a Comment