Minsan ay may nag-aya sa aking kumain ng
steak. Biglang namutla at nanginig ang bulsa ko nang marinig ang salitang
steak. Paano ba naman, halos libo na ang presyo ng isang malaki at
masarap na steak. Grabe naman kung makaaya ang kaibigan ko.
Natawa siyang bigla nang magsabi ako na
sobrang mahal ang pagkaing gusto niya. Less than 200 pesos lang daw at
may kasamang kanin at drinks na. Para akong nabutan ng isang malaking
tinik sa bulsa. Haha. Ayun, takbo agad kami sa resto kung saan sila
kumakain ng steak.
Ang liit lang ng puwesto ng resto sa may
gawing Kamuning area. Snackaroo ang pangalan ng resto. Maraming
mesa din ang meron dito at open area ang kainan na nasa tabi lang ng kalye.
Kung hindi oras ng kainan ay masasabi mong kakaunti lang ang kumakain
doon. Pero minsan ay nasumpungan namin na hapunan na at ayun, pila balde
ang mga gustong kumain. Paano ba naman ay amoy palang ng nilulutong steak
sa uling sa tulo-laway ka na agad. Amoy palang ng steak ay ginugutom ka
na. Kaya't nagiging bisyo na namin ang dumalaw dito basta may pera at pag
na miss na namin ang steak. Tsalap. Grabe!
No comments:
Post a Comment