Kapag panahon ng mangga sa Pilipinas ay talaga namang bumabaha ito. Simula ng maliit pa ako hanggang ngayon ay paborito ko rin ang mangga at inuulam ko din ito sa kanin.
Pero hindi lahat ng mangga ay kaaya-ayang kainin. Minsan ay nabibighani tayo sa hinog na mangga dahil mabango ito. Ang akala natin ay matamis din ito dahil sa kanyang bango. Minsan din ay ipinagmamalaki ng mga tindera na galing sa Zambales ang kanilang panindang mangga pero wala namang kasiguraduhan ito.
Ang ayaw ko sa mangga ay yaong kinalburo. Kahit na mabango ito ay maasim ang laman nito. Hinog sa pilit kung baga. Bagay dito ay gawing ensalada. Kahit na nga sigurong mamatamisin ito ay lalabas pa rin ang pagkamaasim nito. Ang isa pang iniiwasan ko sa mangga ay yaong mga mapuputing tuldok na naglilitawan sa laman nito. Kapag ganito na ang hitsura ng mangga ay hindi ko na ito kinakain. Malamang ay nasobrahan ito sa gamot.
Paminsan-minsan ay nakaktikim ako ng mangga na walang spray at tanging usok lang na nagmumula sa siga ang siyang tumutulong para mamulaklak at mamunga ito. Dahil natural na proseso ang pinagdadaan nito para mamunga ay talaga namang sulit sa tamis at hindi makati sa lalamunan pag nakain mo ito. Kadalasan ay pang personal na kunsumo ng isang pamilya ang ganitong estilo at hindi masyadong madami ang bunga ng isang puno. At least masasabi mong safe ang kinakain nyong mangga.
At ang pinakagusto kong kainin na mangga ay yaong manibalang. Sarap na sarap ako kapag manibalang na mangga na ang usapan tapos ay meron pang sawsawan na bagoong alamang. Wow! Heaven ang feeling. Hehe.
No comments:
Post a Comment