Isa sa mga masasarap na pagkain na tiyak na mahirap tanggihan ay ang tinola lalo na kapag native na manok ang gamit na sangkap.
Dahil natural ang pagkain at hindi puro feeds, laging angat ang sarap na dulot ng native na tinolang manok. Ito palagi ang inihahanda namin kapag espesyal na okasyon. At para mabawasan ang langsa nito ay ikinukulong muna ito ng halos isang linggo at doon na pinapakain sa kulungan.
Isa pang pinakagusto ko ay kapag may itlog ito na nabubuo sa loob ng kanyang katawan. Mas malinamnam kasi ang lasa nito kapag kasama ang mga itlog na manilaw-nilaw pa.
No comments:
Post a Comment