Matagal na akong nakakarinig na delicacy sa bandang norte ng Pinas ang mga salagubang. Napanood ko ito sa mga magazine show sa tv kung saan ay hinuhukay ng mga tao ang lupa kung saan kadalasan ay pugad ng mga salagubang. Mayroon lang kasi na tipo ng salagubang ang pwedeng kainin. Kaya kapag dumadating na ang summer ay tila ba isang biyaya ito sa mga residenteng madalas na magluto ng ganitong tipo ng pagkain.
Pagkakuha nila ng mga salagubang ay kanila itong tatanggalan ng ulo, pakpak, at mga paa. Hindi ko lang sigurado kung pati ang mga bituka nito ay kanila ding inaalis. Pero dahil na dahon ng halaman ang siyang kinakain ng mga salagubang ay hindi naman ito nakakasama kong sakaling buo ang kanilang laman-loob. Pagkatapos na malinisan at mahugasan ay kanila itong ipiprito o gawing adobo. Para ka ring nagluto ng karne kapag ito'y ginawa mong adobo.
Sana kapag may pagkakataon ay matikman ko rin ito. Masarap daw at juicy kapag ito'y iyong kinakagat. Hindi ko lang sure kong makakaya ko ang katas nito kapag nasa bibig ko na. Pero ika nga, wala namang masama kung susubukin. Kapag kaya ng iba ay tiyak makakaya ko rin. Hehe.
No comments:
Post a Comment