Noong tinuli ang aking mga pamangkin ay nagtanong sila kung ang kanilang mama daw ba ay tinuli na rin. Sumagot naman ang kanilang mama na hindi tinutuli ang mga babae. Ako man ay napaisip at napag-alaman ko na pati pala ang mga babae ay tinutuli na rin.
Laganap sa mga bansa ng Africa at Middle East at ganoon din ang ilang lugar sa Asya kung saan maging ang mga babae ay tinutuli na rin. Parte ito ng kanilang ritwal tungkol sa kagandahan, kababaang-loob, pagiging malinis, at pag control sa pagiging aktibo ng mga babae sa sex. Kasama din sa paniniwalang ito ang pagkakaroon ng mga babaeng tinutuli ng dignidad, karangalan, at pagiging isang ina sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na babae. May mga babae na sa edad na lima ay tinutuli na at umaabot ito hanggang sa kanilang pagdadalaga.
Sa bawat kultura talaga ay iba't-ibang ritwal at paniniwala. Ang iba ay taboo sa ating paningin at paniniwala at siguro maging ang ating mga nakagisnan at inoobserbang paniniwala at kaugalian na rin ay pwede ding maging taboo sa kanila. Kung baga, kanya-kanyang trip lang yan at walang basagan ng trip. Hehe.
No comments:
Post a Comment