
Rated SPG po ang post na ito at malamang ay may nakaalam na ng joke na ito. Malamang ay mas matanda pa sa akin ang joke na ito. At wala pong intensiyon nang pambabastos dahil simpleng green joke lang po ito.
Paano daw malalaman kung ang isang bebot ay may "experience" na? Simple lang daw ang kasagutan at ito ay malalaman depende sa kanyang iniinum kahit na hindi mo siya tatanungin tungkol sa kanyang experience. Siyempre nga naman ay mahihiya ang isang tao lalo na kapag hindi siya open tungkol sa kanyang sexual experiences.
Ang isang bebot na wala pang karanasan ay laging "juice" ang inoorder. "Coke" naman sa medyo may karanasan na. At "tsa-a" naman sa sobrang dami na ng karanasan. Kailangan pa bang imemorize yan? Hehe.
No comments:
Post a Comment