Mayo 2013 ang huling bisita ko sa Leyte. Mabuti na lang kamo at hindi ako bumalik doon noong bagyong Yolanda at kung nagkataon ay tiyak isang malaking bangungot ang inabot ko. Pero naranasan ko rin ang bagsik ni Yolanda dahil inabot din kami ng signal number 4 sa probinsiya pero hindi ganoon katindi ang inabot naming pinsala.
Noong nandoon ako sa Leyte ay nagkaroon kami ng pagkakataon na maligo sa dagat na katabi lang ng landing site na ito. Dahil bago sa lugar ay inikot ko ito at napadpad nga kami sa shrine ni MacArthur. Siyempre pa at mga bata ang kasama ko, excited silang magpakuha ng picture kahit na taga doon din sila.
Mabilis na lumusong ang mga bata sa mga higanteng rebulto nina MacArthur. Maya't maya pa ay sinita na kami ng isang tao. Hindi naman siya pulis o anumang kawani ng gobyerno. Siya ay isang photographer na rumaraket sa lugar. Bawal daw lumusong doon at kailangan mo ng bota para makalusong at para daw hindi dumumi ang tubig na ng mga sandaling iyon ay nilulumot na at may mga basura na rin sa paligid. Haha. Natawa na lang ako sa kanyang paninita dahil nga nakakaraket siya sa pagpapahiram ng mga bota at sa pagkuha ng mga litrato ng mga bisita doon. At katulad ng dati, nagpanggap na lang ako na hindi ko siya naiintindihan at deadma na lang kung ano man ang sinasabi niya. Wala din namang siyang nagawa at kaagad din naman kaming umalis pagkatapos magpakuha ng pictures. Kung baga e, para-paraan lang iyan. Hehe.
No comments:
Post a Comment