
Ang pagkamulat ko sa bananacue ay siya ring nagturo sa akin para magustuhan ito. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang hatak sa akin ng bananacue lalo na kapag malambot ang saging. Pakiramdam ko kasi ay bumabalik ako sa pagkabata sa tuwing kumakain ako nito. Paminsan-minsan ay inuulam ko pa ito sa kanin gaya nang aking nakagawian simula noong bata pa ako. Kaya't sa tuwing napapadaan ako sa suki ko at maganda ang tipo ng saging ay tiyak na oorder ako. Ito ang isa sa mga munting kaligayahan ko sa buhay.
No comments:
Post a Comment