Pumasyal kami sa isang maliit sa zoo sa probinsiya. Medyo may kamahalan ang entrance fee sa halagang 50 pesos at malamang hindi din ganoon kadaming mga tao ang pumapasok dito dahil nga mahal ang entrance fee.
Gaya ng ibang zoo ay iba't iba din ang mga hayop dito. May ibon, unggoy, ahas, buwaya, camel, at pati pato. Hehe. Pati nga sementadong giraffe ay meron sila. Haha.
Umaga nang pumunta kami doon at nang mapadaan kami sa isang kulungan kung saan iba't ibang mga hayop ang nakakulong doon ay natiyempuhan namin ang mga iguana na kasalukuyang nagbibilad sa init ng araw. Nakakatuwang tingnan dahil nakapikit lang sila at halos hindi gumagalaw habang ineenjoy ang kanilang sunbathing. Dahil nga cold blooded sila, gawain ng mga uri nila ang magbabad sa init ng araw tuwing umaga. At kapag solve na sila ay saka sila maghahanap ng kanilang tsibog pagkatapos na makuha nila ang "tan" na gusto nila. Haha. Pagkatapos na solve na sila sa kanilang pagpapainit ay saka naman sila maghahunting ng kanilang pagkain. Pero dahil nga sa loob sila ng kulungan ay malamang no-rush ang mga ito dahil may rasyon naman sila ng pagkain. Hehe.
Dahil sa hindi gumagalaw ang mga ito, napagtripan kong hawakan ang kamay ng isa sa mga ito. Akala ko ay magkakaroon siya ng violent reaksiyon nang hawakan ko. Natuwa naman ako at deadma lang ito at tuloy lang siya sa kanyang pagsasunbathing. Kahit na hila-hilain ko ang isa sa mga daliri niya ay hindi talaga ako pinapansin ng isang ito. Hehe. Pero malamang kung nasa wild ito ay mabilis itong kumaripas ng takbo bago pa malapitan ko.
No comments:
Post a Comment