Minsang napagawi ako sa monumentong iyon ni Ninoy sa may QC. Maganda ang pagkagawa ngunit parang hindi kamukha ni Ninoy ang estatwa doon. Palaging maayos at malinis ang harapan ng bantayog na iyon. Pero napa-ngeee ako nang makita ko ang likuran ng bantayog na iyon. Lalo na kapag dumating ang takipsilim. Ginagawang hang-out o tulugan ng mga taong nakatira sa kalye ang likurang bahagi nito. Kahit na nasa gitna sila ng kalsada ay wala silang pakialam sa mga taong dumadaan doon. Ang importante ay meron silang matutulugan.
Wala naman ako sa posisyon para husgahan ang mga taong tumatambay doon. Malamang ay nagpupumilit lang din silang makisabay sa agos ng buhay sa siyudad para sila at ang kanilang pamilya ay mabuhay din. Dahil sa mahal ng upa sa mga bahay, ultimong parang kahon ng posporo sa laki ay mahal ang upa, sadyang isang malaking ginhawa sa kanila ang magkaroon ng ganitong lugar para man lang makapagpalipas ng gabi at ng kanilang antok. Pero imagine na lang kung ang bawat makikipagsapalaran sa Maynila ay ganito ang gagawin. Ang mga public places ay gagawin nilang kanilang tulugan at pahingahan. Tiyak isang napakalaking problema ito para sa gobyerno natin. At malamang kung buhay si Ninoy at makita niya ang natutulog na isang ito sa pampublikong lugar at sa kanyang bantayog pa mismo, masasabi pa kaya niyang "The Filipino is worth dying for?"
No comments:
Post a Comment