Nakapanood na ako ng palabas sa states kung saan madami ang mga salisi gang ng pagkain sa ilang lugar doon. Huwag na huwag mo daw iiwan ang iyong inorder na pagkain dahil pagkalingat mo lang ay meron agad na uupo doon sa silya mo at mabilis na lalantakan ang pagkain mo. Kapag nasita sila ay sasabihin nilang baka daw hindi mo nagustuhan ang pagkain mo kung kaya't iniwanan mo ito. Aapela ka pa ba kung nabawasan na nila ang pagkain mo. Siyempre magagalit ka na lang at mapapakamot ng ulo.
Dito sa Pinas ay may nabalitaan din akong ganitong estilo pero hindi naman garapal. May mga resto na alerto din ang mga crew kaya't mahirap ding makasalisi ang mga ganitong klaseng tao.
Pero ang nasumpungan kong magaling sa pagsalisi ay talagang kakaiba. Aantayin talaga niyang makatayo at makatalikod ka tapos buong ingat at tahimik siyang sasampa sa mesa. Patingin-tingin pa muna siya bago niya lalantakan ang iyong naiwang pagkain. At habang hindi mo siya sinisita ay tiyak magpipiyesta siya sa naiwan mong pagkain.
No comments:
Post a Comment