Sigurado ka ba kung saan galing ang yelong binibili mo na siya mong ineenjoy kasama ang favorite drinks mo?
Minsan ay sumama akong makipaglibing at hindi na nakakapagtaka sa mga sementeryo sa Manila na merong mga nakatirang mga buhay na tao dito. Kung baga e magkakasama ang mga buhay at patay dito. Ang katwiran ng mga naninirahan dito ay libre sila sa upa at hindi daw dapat katakutan ang mga patay. Mas takot pa nga daw sila sa buhay kasi nga nakakapanakit ang mga ito kumpara sa mga patay.
Sa aming paglalakad patungo sa huling hantungan ng ililibing ay napansin ko ang isang lalakeng kasalukuyang naglalagare ng isang bloke ng yelo. Malamang ay paninda nila ito. Pero ang nakakagulat dito ay sa mismong loob ng sementeryo sila nagpeprepare ng kanilang panindang yelo. Nakakatakot isipin na hindi na ito malinis at malamang kung malaman mo na galing pala ito sa sementeryo ay baka bumaligtad agad ang sikmura mo. Ang pagkakaalam ko kasi sa mga sangkap ng pagkain o inumin ay dapat sa isang malinis na lugar ito inilalagay. Hindi naman natin nakikita ang mga germs na siyang magdudulot ng sakit sa atin kaya't hindi natin masasabi na malinis ang ating kinakain kung wala tayong nakikitang dumi dito.
No comments:
Post a Comment