May mga pagkakataong kahit ang comfort food natin ay nakakasawa na rin. Minsan, para maiba naman ay tumitikim tayo ng ibang putahe.
Nagtanong ako minsan sa isang kainan kung ano ang masarap nilang luto sa chicken. Sumagot naman ang waitress na garlic chicken daw. Medyo na-excite naman ako sa putaheng binanggit niya. Hindi kasi ako mahilig sa garlic lalo na sa sangkatutak na garlic na isinasahog sa ulam. Pero out of curiousity na rin kung ano ang lasa ng ipinagmamalaki niyang garlic chicken ay sinubukan ko na rin.
Lasang garlic nga talaga at medyo matamis ang timpla. Sa totoo lang ay bibihira lang ako magkagusto sa matamis na timpla ng ulam. Kung bananacue ito ay matutuwa pa ako. Hehe. Pero pagdating sa mga karne ay hindi talaga solve sa matamis na timpla. Ang ending, pilit kong kinakaskas ang garlic na nakadikit sa chicken at pikit matang isinusubo ang ulam. Haha. Pambihira kasi ang lasa at parang ayaw pumasok sa lalamunan ko. Kaya lang ay mahal ang bayad ko sa ulam kaya't sa tiyagaan ay naubos ko rin. Huhu. Di na ako uulit pa.
No comments:
Post a Comment