May mga tao talagang mahiyain. Maraming mga dahilan kung bakit nagiging mahiyain ang isang tao. Pwedeng mababa ang tingin niya sa kanyang sarili at wala siyang sapat na confidence para makiharap sa ibang tao. Meron ding psychological ang dahilan gaya nang naabuso siya at palaging pinagmumukhang kawawa.
Kadalasan ang isang mahiyaing tao ay hindi basta-basta nakikipag-usap ng harapan. Nahihirapan siyang mag-establish ng eye-to-eye contact kapag kayo ay nag-uusap. At madalas din ay mayroon siyang mga body language na nagsusuggest na hindi siya mapakali kapag hindi siya komportable sa kayang pakikipag-usap.
Mayroong paalala sa akin ng mga nakakatanda sa amin dati. Mahirap daw pagkatiwalaan ang mga taong hindi makatingin ng diretso lalo na kapag kayo ay masinsinang nag-uusap. Kapag ito daw ang tipo ng kausap mo ay madalas sa hindi ay hindi ito sincere at hindi mapagkakatiwalaan. At higit sa lahat, maging mapagmatyag na rin dahil sa ibang lugar, ang taong hindi makatingin ng diretso ay baka isang aswang. Hehe
No comments:
Post a Comment