Dahil sa walang magawa at nang gutumin dahil sa aking pag-iikot ay nasumpungan ko ang isang bakery store. Meydo matagal ko ring tinitigan ang kanilang mga paninda hanggang sa mapako ang paningin ko sa kanilang panindang bicho-bicho.
Cheese donut ang label na nakalagay sa harap ng tray kung saan madaming pahabang donut ang nakadisplay. Malamang ay hirap silang gumawa ng bilog na donut kaya't pahaba na lang ang kanilang ginawa. Hehe.
Nagtanong ako sa salesgirl kung talagang may palaman na cheese nga ang donut nila. Sabi niya ay cheese donut nga iyon at may laman ngang cheese. Hiyang-hiya naman ako sa sagot niya. Oo o hindi lang naman pero ang haba ng sagot niya. Haha.
Sabi ko ay susubukin ko nga kung anong meron sa cheese donut nila. Anim na piso ang isang piraso na halos isang dangkal ko ang haba. Pagkagat ko ng isa ay agad na hinahanap ng panlasa ko ang cheese. Isang kagat pa ulit bago ko nalasahan ang cheese. Putik na cheese yan. Parang gatingting ng walis ang laki. Haha. sa liit ng cheese ay pahirapan ang paghanap dito at halos hahanapin ng dila mo ang lasa ng cheese. Sabagay, mahal nga naman ang cheese at sa halagang anim na peso ay hindi mo dapat asahan ang isang blokeng cheese na palaman ng kanilang donut.
Sabi ko tuloy sa sarili ko. Next time, donut buy na lang. Haha.
No comments:
Post a Comment