Monday, January 20, 2014

Anong Meron?

Anong meron?  Ito kaagad ang tanong na pumasok sa isip ko habang nangingiti ako kasabay ng pagkuha ng litratong ito. 

Kahit saang lugar man tayo mapadpad, minsan ay may nakakatuwang mga pangyayari na pwedeng maganap sa isang iglap.  Kadalasan ay wala itong pasintabi kung magaganap at depende na sa atin kung makukuhaan natin ito agad ng litrato.  Ito ang mga pagkakataon na mapapaisip tayo at mapapangiti na rin dahil sadyang kakaiba ang litrato at may mensaheng nais iparating.

Ano nga ba ang meron sa mga batang ito at lahat sila ay nakapula?  Magkakilala ba sila at color coded sila para madaling magkakitaan?  O baka naman birthday nilang lahat at doon nila napili sa beach na magcelebrate ng kanilang birthday?  Haha.

No comments:

Post a Comment