Friday, January 17, 2014

Masahista sa Baywalk

Masarap tumambay sa baywalk sa Roxas Blvd Manila lalo na kapag umagang-umaga o di kaya'y dapit hapon na.  Masyadong busy ang lugar na ito at sadyang maraming mga activities ang meron dito.  At kung hindi ka naman masyadong nagmamadali ay marami ka talagang mapapansin dito.

Sa paminsan-minsan kong pamamasyal dito ay madalas kong makita ang mga nagmamasahe dito.  May dalawang grupo ata dito na nagmamasahe tapos may iilan ding sumusulpot na nagsosolo.  Pwedeng magpamasahe ng binti at paa lang, pwede ding likod lang, at pwede din ang whole body.  May mga dala naman kasi silang higaan kung saan ay libre kang humiga.  Iyon nga lang at exposed ka sa mga namamasyal na mga tao dito sa baywalk kung sakaling maghubad ka at humilata sa damuhan.  Pero sa nakikita ko ay may mga suki silang dumadayo talaga dito at kampante na silang nagpapamasahe.

One time ay sinubukan kong magpamasahe.  Medyo masakit na kasi ang talampakan ko sa kakalakad.  Siyempre masid-masid muna ako kung sino ang magaling.  Nang malibre ang isa ay sinubukan ko.  Sa halagang 100 ay may isang oras na masahe na ako sa binti at hita.  At talagang magaling nga siya.

Matagal na palang nagmamasahe si Patrick at nagtraining pa talaga siya sa TESDA.  Kapag wala daw siyang tawag mula sa kanyang mga suki ay sumasama siya sa kanilang grupo dito sa baywalk para makasideline.  May mga regular siyang clients at palaging on-call siya.  At kung kaya pa ng powers niya ay tumatambay pa siya sa baywalk para masulit ang kanyang oras.  Madalas ay alas-kuwatro nang hapon ay nakatambay na ang kanilang grupo sa baywalk at inaabot sila hanggang madaling araw na dito.

Minsan, pag napadaan kayo sa baywalk at trip nyong magpamasahe, hanapin niyo si Patrick at talagang sulit ang ibabayad nyo sa kanya.

No comments:

Post a Comment