Minsan ay mag natanong. Paano daw ba gumawa ng itlog na pula?
Mapakanin, kakanin, o tinapay ay nilalagyan ng itlog na pula. "Special" ang tawag sa mga pagkaing ito kapag may itlog na pula. Ang ensaymada, bilang halimbawa, ay nagiging mas mahal at tinatawag na espesyal kapag may toppings itong itlog na pula. Ganoon din ang bibingka. Espesyal agad ang tawag ng mga tindera sa kanilang bibingka kapag may halo itong itlog na pula. Sa rice toppings naman ay hindi ko pa ito nakaringgan ng pagiging espesyal kahit na merong hiwa ng itlog na pula itong kasama.
Marami akong kakilala na gustong-gusto nila ang itlog na pula na ulamin. Lalo na kapag may kasamang hiwa ng sariwang kamatis, talaga namang napakasarap tingnan ng kanilang bawat subo. Pero sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi ko talaga trip ang itlog na pula na iulam sa kanin. Mas swak pa rin sa panlasa ko ang ordinaryong itlog lang, mapa-scrambled o sunny side up o hard boiled pa ito. Maliban na lang sa ensaymada at bibingka na nagustuhan ko ring kainin na may halong itlog na pula.
So, paano nga daw ba gawin ang itlog na pula. May isang patawang sumagot na pitik-pitikin mo lang daw ito para maging pula. Weeeeee. Hehe. Patawa lang po at rated PG ang post na ito.
No comments:
Post a Comment