Monday, January 13, 2014

Apple

An apple a day keeps the doctor away.  Ito ang isa sa mga kasabihan ng mga tindera ng apples.  Haha.  Tiyak magagalit ang mga doctor sa kanila kapag ito ang hayagang slogan na ilalagay nila sa kanilang mga panindang apples.  

Pero meron pang isang lumutang na panibagong kasabihan tungkol sa apple.  An apple a day equals seven apples a week.  Haha.  O laban ka?

Sa aking paglaki sa isang maliit na komunidad ay meron akong napulot na kuwento tungkol sa isang kapitbahay namin.  Teacher na ang kapitbahay naming iyon at ang kanyang kuwento ay nangyari noong grade 1 palang siya.

Tinanong daw siya ng kanyang teacher tungkol sa Math subject nila.  Heto ang siste:

Teacher:  Boy, one apple plus one apple?

Hindi daw nakasagot ang bata at sa halip ay nag-excuse at tumakbong pauwi sa kanila.  Agad niyang tinanong sa kanyang nanay ang sagot sa tanong ng kanyang guro.  Humahangos pa siya na bumalik sa skul at kaagad na nagvolunteer para sumagot ng Math question.

Teacher:  Boy, one banana plus one banana?

Boy: (napakamot ng ulo).  Ma'am apple na lang po kasi iyon lang ang alam ko.

No comments:

Post a Comment