Saturday, January 11, 2014

Putok

Grabe, sobrang lakas ng putok!  Swak ito at talagang enjoy sa mga taong mahilig magpaputok lalo na kapag new year.  Pero kapag ang isang tao ay may putok, talagang mapapa-ewwwww ka.  Super turn off, ika nga.

May nakasama ako dati sa trabaho.  Malinis siya tingnan at talagang maporma.  Isa siya sa mga matitinik sa chicks at halos hindi nababakante kung relasyon ang pag-uusapan.  Meron lang isang bagay ang dyahe sa kanya.  Sobrang lakas ng arrive niya.  Haha.  Sobrang lakas ng putok niya.

Minsan, nagulat kami sa kanyang puna sa isang tao na dumaan sa aming harapan.  Sabi niya, "Pare, di ba ninyo naamoy?  Ang lakas ng putok niya.  Kadiri."  Nagkatininginan na lang kaming magkakasama at napangiti ng todo.  Umoo na lang kami sa kanyang naamoy dahil magkasingtapang sila sa lakas ng kanilang putok.  Pagkaalis ng kasama naming ito ay nagtanong ang isa pa naming kasama kung bakit hindi naaamoy ng aming kasama ang sarili niya.  Iisa lang ang naiisip naming kasagutan, immune na siya sa sarili niyang amoy.  Ang isa pa naming kasama ay nagsuggest na baka daw pwede namin siyang regaluhan ng tawas o deodorant para naman marealize niya na hindi kanais-nais ang kanyang amoy subalit nagpasya na kaming huwag ituloy ang gayong plano dahil baka nga naman ma-offend ang tao.

No comments:

Post a Comment