Noong nagsisimulang maging uso ang
internet sa Pinas ay kakaiba ang kahulugan ng salitang "Persian
Kitty" kapag nababanggit sa mga umpukan. Haha. Hindi ko alam
kung meron pang mga site na katulad nito ang pangalan.
Alam naman natin na hindi likas sa mga
pusa ang pagiging malambing at maamo. Malapit lang din sila sa kanilang
mga amo o di kaya'y ito ay bibigyan mo ng pagkain. Kadalasan ay snob ang
mga ito.
Medyo nakakagulat ang laki ng pusa ng
kaibigan ko. Dahil nga ay may lahi kung tawagin, di hamak na mas malaki
at mas mabigat ito kesa sa mga ordinaryong native na pusa. Buong
pagmamalaki ng kaibigan ko na tumatabi daw ito sa kanya sa tuwing matutulog pag
gabi. Hindi kasi pangkaraniwang gawi ng mga pusa ang tumabi at
maglambing. Mas gusto nilang sila ang nilalambing.
Ang isa pang bagay na ikinatutuwa ng
kaibigan ko ay napagkikitaan niya ang pusang ito. Simula nang kumuha siya
ng isa pang babaeng Persian cat ay ilang beses na daw nanganak ang partner nito
at mabilis niyang naibebenta ang mga kuting nito. Nakakatuwa ngang
tingnan ang mga anak nito dahil iba-iba ang kulay nila at mayroon ding naiiba
ang mga mata. Iyon nga lang at masyadong istrikto ang nanay. Sa tuwing
kukuhain ko ang isang anak nito ay lumalapit at seryosong nakatingin sa akin na
parang bang may halong pagbabanta. Hindi tuloy ako makadiskarte para
madekwat ang isang anak niya. Hehe.
No comments:
Post a Comment