Sunday, January 19, 2014

Hiwa

Dahil tanghalian na naman ay sugod na ulit ako doon sa paborito kong bilihan ng pagkain.  Iba-iba kasi palagi ang menu ng tindera sa bawat araw kaya't hindi nakakaumay ang mga tinda niyang pagkain.  At dahil suki na ako doon, madalas ay may dagdag sa ulam ko.  Hehe.  Style.

Minsan, umorder ako ng manok.  Dalawang katamtamang piraso ang isang order.  Biniro ko siya na maliit ang hiwa niya ngayon.  Natawa si ate at sinabihan akong sadyang maliit daw talaga ang hiwa niya.  Nagkatawanan na lang kami nang makuha ko ang ibig niyang sabihin.  May pagka green din pala ang utak ng suki kong tindera.  Haha.  Nang makabawi ay nagsabi siya na hiwa daw iyon ng suki niyang tindera sa palengke at hindi kanya ang hiwa na iyon.  Natawa na lang ako kahit ano pa ang explanation ni ate.  Basta ang alam ko, maliit ang kanyang hiwa dahil sinabi niya iyon mismo.  Haha.


No comments:

Post a Comment