Sa isang photo class ay naatasan kaming magsubmit ng tig-iisang picture. Ang ginawa ng aming facilitator ay pinapili niya ang bawat participant ng picture at sasabihin niya kung bakit niya nagustuhan ang picture na iyon. Pagkatapos ay may critic ang facilitator kung maayos ba o may kulang sa picture na iyon.
Dumating ang time na ako naman ang pipili. Iilan na lang ang mga natitirang pictures. Ang mga napili kasi ay hindi na pwedeng piliin pa. Ang pinili ko ay isang bulaklak. Nangiti ang facilitator namin dahil sa mga natitirang pictures, bulaklak pa ang siya kong pinili. Medyo may edad na kasi ang babaeng facilitator namin at sa reaksiyon niya ay natawa ako. Kaya't nakipagkulitan na lang ako sa paraan na hindi siya ma-offend o mapikon.
Nagtanong siya kung bakit flower ang siya kong napiling picture. Ang sagot ko naman ay sino ba ang may ayaw ng flower lalo na kung mabango ito. Agad siyang nagtanong sa mga lalake kong kasama sa loob ng klase kung gusto rin nila ng flower. Maraming nagtaas ng kamay at may kasama pang hiyawan at tawanan. Haha. Malamang ay nakuha na niya ang mensahe kung bakit marami sa amin ang may gusto ng flower. Hehe.
No comments:
Post a Comment