Kung magagawi ka sa bandang Quiapo,
makikita mo ang mga kagaya niya na nagtitinda ng mga sim cards sa underpass ng
Quiapo. Bawat entrance at exit points ng underpass ay may mga
nakapuwestong mga vendors at lahat sila ay magkakilala. Malamang ay iisa
lang ang kanilang dealer/supplier.
Mas mura ang kanilang benta ng mga sim
cards kesa sa mga regular na tindahan. Ang sabi ay kumikita sila sa
pamamagitan ng porsiyento o pagpatong sa bawat maibenta nilang sim card.
Pwede pa ngang makipagtawaran sa kanila lalo na kapag marami kang
bibilhin, siguro mga sampu. Hehe. At kapag hindi mo tipo ang number
ng sim card ay aalukin ka nila ng special numbered sim card. Noong una ay
nagtanong pa ako kung bakit naging special ang tawag nila sa sim card na iyon.
Iyon pala ay itinatabi nila ang magandang kumbinasyon ng mga numero sa
isang sim card. Halimbawa ay tatlo o apat na magkakaparehong digit na
magkakasunod. Pinakamababa na ata na turing nila sa tatlong digit na
magkakasunod ay 70 pesos at ang pinakamahal ay umaabot pa ng 150 pesos.
Depende pa iyon sa kumporme. Hehe.
Hindi ko maalala kung nakailang bili na
ako ng sim card at laging may tawaran portion. Siyempre kung makakatawad
ka kahit 5 o 10 pesos man lang ay malaking bagay na iyon. Pero hindi ko
alam kung may sindikato sa likod ng bentahan na ito ng sim card. Paano
kasi ang nabili kong sim card sa kanila ay madalas akong napapadalhan ng mga
scam text messages na kesyo nanalo ako ng ganitong halaga mula sa isang raffle
draw. Haha. Sana totoo nga ito. Hinayupak na mga taong iyon
at walang magawa sa buhay. Ang siste ay pinagtitripan ko din sila kapag
naka-unli ako. Kinukulit ko din ang nagpadala ng text message na iyon
hanggang sa maburaot sa akin. Hehe.
No comments:
Post a Comment