Ang tagak o wihte heron ay isa sa mga wild birds na kadalasang makikita sa probinsiya. Madalas na lumalagi sila sa bukirin at taniman ng palay. Hindi naman sila tinuturing na peste ng mga magsasaka dahil ang mga insekto sa palayan ang kanilang pangunahing kinakain.
Nang magkaroon ako ng pagkakataon na makagala sa isang malayong probinsiya ay ginamit ko ang mga sandaling iyon para malapitan at makunan ng pictures ang mga tagak. Sa isang taniman ng palay kung saan tapos na ang paggapas ng mga palay napili kong pumunta at kumuha ng pictures.
Akala ko ay magiging madali lang ang pagkuha ko ng pictures dahil open field at wala naman akong dalang anumang ikakagulat ng mga tagak. Akala ko ay sanay na sila sa mga magsasaka na nakakasalamuha nila halos araw-araw sa tanimang iyon. Iyon pala ay masyado silang alerto sa bawat gumagalaw sa kanilang kapaligiran at kaunting hindi kanais-nais na galaw lang ay agad silang magliliparan.
Doon ko lang napagtanto na kailangan mo ng mahahabang lente ng kamera para makuhaan sila ng malapitan at mas magandang pictures. Ang hirap makalapit sa kanila at para akong nakikipagpatintero sa mga ito habang pilit na kumukuha ng pictures.
No comments:
Post a Comment