Wednesday, January 1, 2014

Happy New Year

Happy new year sa lahat kahit na ano pa ang ating mga masasaklap na pinagdadaanan.  Ang mahalaga ay buhay tayo pati na ang ating mga mahal sa buhay.  Ang sabi nga nila ay habang may buhay ay may pag-asa.  Kaya't marapat lang na pagpapahalagahan natin ang kung ano ang meron tayo sa kasalukuyan at kasama na doon ang ating pamilya at mga kaibigan.

Nawa'y ang bagong taon na ito ay maghahatid sa atin ng ibayong ginhawa at maging daan din ito para tayo'y makapagsimulang muli.  Harinawang magiging maganda ang takbo ng ating kabuhayan at magiging mas malapit at mapagmahal pa tayo sa ating mga mahal sa buhay.

Maligayang Bagong Taon sa ating lahat!

No comments:

Post a Comment