Kaninang umaga nang papasok na ako sa trabaho ay may nadaanan kami na isang aksidente. Sa pagsilip ko ay nakita kong tumba ang isang motorsiklo at nakadapa ang rider nito. Ayun sa mga miron ay dedo na daw ang driver. Sa hitsura ng tao ay tipong papasok pa lang ito sa trabaho.
Naalala ko tuloy noong minsan. Dala ko ang aking camera at may nadaanan akong nakabulagta sa gitna ng kalsada malapit sa amin. Naholdap daw iyong tao at nang manlaban ay sinaksak ng holdaper at napatay ang biktima. Lakas-loob akong lumapit sa mga kumpon ng tao na nakiusyuso. Subalit nang makita ko ang pares ng mga paa ng biktima ay kagyat akong tumalikod at hindi ko na nagawang lumingon pa. Isa kasi sa mga hindi ko nakasanayang tagpo ay ang makakita ng isang taong patay. Masyadong nagtatagal ang imahe ng isang patay sa aking isipan at mga ilang buwan ding pagdurusa ang aking pagdadaanan bago sila tuluyang mawala sa aking isip.
Ang buhay natin ay sadyang unpredictable. Hindi talaga natin alam kung kailan tayo kakalabitin ni kamatayan. Kahit na anong pag-iingat ang siya nating gagawin ay hindi talaga natin matatakasan ang kamatayan.
Ikaw? Handa ka na bang mamatay?
No comments:
Post a Comment