Sa may kanto ay merong nagtitinda ng bibingka. Bigla akong nag comment na "Sobrang mahal naman!" dahil talagang mahal ang tinda nilang bibingka na halos kasing lapad ng palad ko. Akalain mo ba namang 40 pesos ang isang order.
Naging defensive naman si ateng tindera at ipinagmamalaki na merong Star Margarine, keso, at higit sa lahat ay espesyal daw ang bibingka nila. Napatanong ako kung bakit naging espesyal ang bibingka nila. Buong pagmamalaki na sinabi ni ate na meron daw itong itlog na maalat. Nagtanong ulit ako na porke't may itlog na maalat ay espesyal na agad? Napa-oo naman siya at kahit daw ano basta merong itlog na maalat ay espesyal na ito. Natawa ako bigla sa sagot niya. Sinabihan ko si ateng tindera na espesyal din pala ako dahil meron din akong itlog na maalat. Natawa ang katabi kong mama na naghihintay ng order niyang bibingka. Si ate ay napakunot noo na lang at hindi na gets ang joke ko. Haha. Slow.
No comments:
Post a Comment