
Paano ba naman kasi, pinagbawalan muna ako ng doktor na maghinay-hinay muna sa mga matatabang pagkain dahil mataas ang aking kolesterol count. Naramdaman ko kasing sumasakit na ang batok ko ng mga panahong iyon at gusto ko pa namang mabuhay pa ng mas mahaba. Parusa nga ang paglalaway ko sa steak habang sarap na sarap ang kasama ko samantalang todo tiis naman ako sa walang kabuhay-buhay na lasa ng pritong bangus na iyon. Kunswelo ko na lang ang gravy dahil nagmukha ding steak ang kinakain ko. Huhu.
No comments:
Post a Comment